Kagabi, nagkaroon ako ng pagkakataong mapakinggan ang isa sa mga
ipinagmamalaki ng Original Pinoy Music. Hindi pa rin kumukupas ang galing ni
Gary Valenciano at muli niyang pinatunayan ang gaslaw sa entablado at ang
kakayanan niyang umawit nang mula sa puso. Hindi maikakailang siya pa rin ang Mr. Pure Energy. Hindi naging balakid
ang kanyang edad upang makapaghatid ng world
class na pang-aliw sa kanyang mga manunood.
Naging malaking bahagi rin si Gary V. ng
aking buhay sa pamamagitan ng mga awitin niyang masarap pauli-uliting kantahin
sa videoke. Bilang balladeer-wanna-be, kung hindi Martin Nievera, Gary Valenciano
medley ang pinagdidiskitahan ko, madalas kasama ang aking matalik na
kaibigan. Ako si Martin, siya si Gary.
Bilang hopeless romantic, marami
rin sa mga kanta niya ang pumukaw, at patuloy na pumupukaw sa aking damdamin sa
kung anumang estado ng aking puso. Nariyan ang How Did You Know kung in-love,
Each Passing Night kung nalulumbay, at Hataw Na! kung
napapaindak. Ngunit kagabi, hindi ko inaasahang matutunghayan ko ang ang
tambalan nila ni Regine Velasquez, sabay inaawit ang isa sa mga kantang sinubok
ko ring kantahin, ngunit mas mabuti na lang sigurong sabihing, isinisigaw ng
aking puso. Ayon nga sa kanta:
"Muling hinahanap, ang dating paglingap na mula sa'yo. Muling umaasa, sa dating
nadaramang laan sa'yo. Mula nang magwakas, tapusin
ang lahat, ay naritong nagmamahal pa rin.
Pa'no kaya maibabalik. Ang damdamin mong dati. Ma'ari pa kayang muli."
Ang pusong nagmamahal, hindi agad-agad susuko at patuloy na kakapit kahit sa pinakamalaiit na pag-asang natitira. Gaano man ang sakit na naidulot ng pag-ibig, pinanghahawakan ang mga masasayang ala-ala ng kahapong pinagsamahan. Sapagkat sa bawat nagmamahal, bago ang pait, ligaya ang sadyang nangingibabaw, laging inaasam ang magpakailanman.
Nais kong ibahagi ang isa sa mga nakunan kong video mula sa concert na hindi lang nagpaindak, ngunit nangusap sa aking damdamin.
Muli
[Gary]
Muling hinahanap Ang dating paglingap na mula sa'yo
Muling umaasa
Sa dating nadaramang laan sa'yo
Mula ng magwakas, tapusin ang lahat
Ay naritong nagmamahal pa rin
Pa'no kaya maibabalik
Ang damdamin mong dati
[Regine]
'Di ba't ikaw pa
Unang may nais na tapusin na
Habang panahon
Pinilit limutin ka hanggang ngayon
Mula ng magwakas, tapusin ng lahat
Hindi maikakailang ikaw pa rin
Papa'no kaya maibabalik Ang hangaring dati
[Both]
Refrain:
Ba't di nagkatagpo
Bakit tuloy nagkalayo
Bakit mayro'n pang nadarama
Gayong hindi na tayong dalawa
Bakit magwawakas
Pag-ibig na wagas
Ma'ri bang mangyari pang
Ibigin pang...Muli
[Regine]
Kung muling iibigin
H'wag sanang lisanin nang tulad noon
Pagluha'y di na kaya
H'wag na sanang isipin nang tulad gayon
[Gary]
Hanggang sa nagwakas,
Natapos ang lahat
Ay naritong nagmamahal pa rin
Paano pa ba maibabalik
Ang hangaring dati
(Ma'ri pa kayang muli....)
[Both]
REFRAIN:
Ba't di nagkatagpo
Bakit tuloy nagkalayo
Bakit mayro'n pang nadarama
Gayong hindi na tayong dalawa
Bakit magwawakas
Pag-ibig na wagas
Ma'ri bang mangyari pang
Ibigin pang...
Muli
Nandito lang ako (bago lumayo sa pilling mo)
Higit kang kailangan kailan man (hanggang kailan kaya naman)
Mahala kita (tila) hanap ka (sana) (tunay kaya ito)
Minsan pang bigyan ng daan
Pag-ibig na sa'yo nakalaan
[Both]
REFRAIN:
Ba't di nagkatagpo
Bakit tuloy nagkalayo
Bakit mayro'n pang nadarama
Gayong hindi na tayong dalawa
Mula sa http://www.lyricsmode.com/lyrics/g/gary_valenciano/muli.html
Hanggang sa muli,
Dan