Pages

Muli.

Linggo, Agosto 3, 2014

Kagabi, nagkaroon ako ng pagkakataong mapakinggan ang isa sa mga ipinagmamalaki ng Original Pinoy Music. Hindi pa rin kumukupas ang galing ni Gary Valenciano at muli niyang pinatunayan ang gaslaw sa entablado at ang kakayanan niyang umawit nang mula sa puso. Hindi maikakailang siya pa rin ang Mr. Pure Energy. Hindi naging balakid ang kanyang edad upang makapaghatid ng world class na pang-aliw sa kanyang mga manunood.

Naging malaking bahagi rin si Gary V. ng aking buhay sa pamamagitan ng mga awitin niyang masarap pauli-uliting kantahin sa videoke. Bilang balladeer-wanna-be, kung hindi Martin Nievera, Gary Valenciano medley ang pinagdidiskitahan ko, madalas kasama ang aking matalik na kaibigan. Ako si Martin, siya si Gary.

Bilang hopeless romantic, marami rin sa mga kanta niya ang pumukaw, at patuloy na pumupukaw sa aking damdamin sa kung anumang estado ng aking puso. Nariyan ang How Did You Know kung in-love, Each Passing Night kung nalulumbay, at Hataw Na! kung napapaindak. Ngunit kagabi, hindi ko inaasahang matutunghayan ko ang ang tambalan nila ni Regine Velasquez, sabay inaawit ang isa sa mga kantang sinubok ko ring kantahin, ngunit mas mabuti na lang sigurong sabihing, isinisigaw ng aking puso. Ayon nga sa kanta:

"Muling hinahanap, ang dating paglingap na mula sa'yo. Muling umaasa, sa dating nadaramang laan sa'yo. Mula nang magwakas, tapusin ang lahat, ay naritong nagmamahal pa rin. Pa'no kaya maibabalik. Ang damdamin mong dati. Ma'ari pa kayang muli." 


Ang pusong nagmamahal, hindi agad-agad susuko at patuloy na kakapit kahit sa pinakamalaiit na pag-asang natitira. Gaano man ang sakit na naidulot ng pag-ibig, pinanghahawakan ang mga masasayang ala-ala ng kahapong pinagsamahan. Sapagkat sa bawat nagmamahal, bago ang pait, ligaya ang sadyang nangingibabaw, laging inaasam ang magpakailanman. 


Nais kong ibahagi ang isa sa mga nakunan kong video mula sa concert na hindi lang nagpaindak, ngunit nangusap sa aking damdamin.


Muli

[Gary]
Muling hinahanap 
Ang dating paglingap na mula sa'yo 
Muling umaasa
Sa dating nadaramang laan sa'yo 
Mula ng magwakas, tapusin ang lahat 
Ay naritong nagmamahal pa rin 
Pa'no kaya maibabalik 
Ang damdamin mong dati 

[Regine]

'Di ba't ikaw pa 
Unang may nais na tapusin na 
Habang panahon 
Pinilit limutin ka hanggang ngayon 
Mula ng magwakas, tapusin ng lahat 
Hindi maikakailang ikaw pa rin 
Papa'no kaya maibabalik Ang hangaring dati 

[Both]
Refrain: 
Ba't di nagkatagpo 
Bakit tuloy nagkalayo 
Bakit mayro'n pang nadarama 
Gayong hindi na tayong dalawa 
Bakit magwawakas 
Pag-ibig na wagas 
Ma'ri bang mangyari pang 
Ibigin pang...Muli 

[Regine]
Kung muling iibigin 
H'wag sanang lisanin nang tulad noon 
Pagluha'y di na kaya 
H'wag na sanang isipin nang tulad gayon 

[Gary]
Hanggang sa nagwakas, 
Natapos ang lahat 
Ay naritong nagmamahal pa rin 
Paano pa ba maibabalik 
Ang hangaring dati 
(Ma'ri pa kayang muli....)

[Both]
REFRAIN: 
Ba't di nagkatagpo 
Bakit tuloy nagkalayo 
Bakit mayro'n pang nadarama 
Gayong hindi na tayong dalawa 
Bakit magwawakas 
Pag-ibig na wagas 
Ma'ri bang mangyari pang 
Ibigin pang...
Muli 

Nandito lang ako (bago lumayo sa pilling mo) 
Higit kang kailangan kailan man (hanggang kailan kaya naman)
Mahala kita (tila) hanap ka (sana) (tunay kaya ito) 
Minsan pang bigyan ng daan 
Pag-ibig na sa'yo nakalaan

[Both]
REFRAIN: 
Ba't di nagkatagpo 
Bakit tuloy nagkalayo 
Bakit mayro'n pang nadarama 
Gayong hindi na tayong dalawa

Mula sa http://www.lyricsmode.com/lyrics/g/gary_valenciano/muli.html

Hanggang sa muli,
Dan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

 

Most Reading

Test