Pages

SIMULA.

Biyernes, Agosto 1, 2014

Isang yugto ang natapos, may bagong magsisimula. Simula ngayon, hanggang kung saan man ito makarating, isusulat ko ang aking buhay. Bitbit ang kahapon, babagtasin ang isang mas maliwanag na daan patungong hinaharap. Sa pamamagitan ng mga salita, ipamamalas ang ganda ng buhay na lagi’t laging buhay.

Ang mga nasira, unti-unting bubuuin. Ang mga nawala, isa-isang hahanapin. Ang mga natira, pagyayamanin. Nang makamit ang mithiin ng kahit sinumang nilalang. TUNAY NA KALIGAYAHANG maibabahagi sa KAPWA.

Ako si Danlourd A. de Asis, isang alipin ng teknolohiya, isang anak, kapatid, kaibigan, TAO.

Nabigo. Babangon. Magsisimula.


Hanggang sa muli,
Dan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

 

Most Reading

Test